Thursday, November 24, 2005

Pira-Piraso

Heto na naman po tayo,
naga-antayan, nagsusulat
ng linya sa daan, kapirasong
puti, porselas, palamuti
sa kalye. Pang-ilang
tapak na ito, yapak,
pakalat-kalat na parang
naghihintay na tamaan
nang 'sang dosenang
karayom or daliri dahil puro
ganito lang naman
ang ating hahantungan:
sinusundan ang turo
ng kamay ng orasan
papunta sa isa't kalahting
kawalan. Pinaglalaruan
lang naman natin ang boses,
salita, marangyang
pasigaw na sinasabi sa mundo,
"Heto! Andito ako!"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home